Kwento sa tabi tabi…
Sa mga nagdaang araw, maraming mga pangyayari sa buhay-buhay ang dumaan at kasalukuyang pinagdadaanan. Mga kaganapan na hindi sumagi sa isip ko na maaaring dumating pero pwedeng dumating kahit kanino man. Ano ba ito? Sobrang makata na yata ang panimula ng aking pagsusulat.
Ito ay tungkol sa kasalukuyang krisis na nararanasan ng sangkatauhan, mapa-mahirap o mapa-mayaman man. Ito ang krisis na walang sinasanto, walang sinisino. Mayroon na sigurong mga eksperto ang nakakaalam na maaaring mangyari ang mga nangyayari sa ngayon, marami na siguro ang nakapagsuri sa mga nangyayari at pwede pang mangyari. Ang tanong, napaghandaan ba natin ito?
Maraming kumpanya ang nalulugi, nagsasara, nagtatanggal ng tauhan. Hindi pa ito gaanong naramdaman ng nagdaang taon ngunit sa pagsisimula ng taong ito, unti unting ng nakikita ang epekto - sa mga pagawaan, marami ang nagbawas ng produksyon na naging sanhi ng pagbabawas ng tao, sa mga malilit na bangko, marami na ang nagsara, kahit mga propesyonal, apektado na din. Nagtaas ang presyo ng ibang bilihin. Napaghandaan ba natin ito?
Sa mga nagdaang taon, akala natin ang mundo ay nagbabago, umuunlad dahil sa mga bagong teknolohiya na dumarating. Akala natin lalong tumataas ang kaalaman ng bawat indibidual sa iba’t ibang larangan at dahil dito ay maraming positibong bagay ang pwedeng maging epekto nito. Ngunit hindi natin naisip na may hangganan ang lahat. Hindi natin naisip at napaghandaan ang maaaring epekto ng labis labis na paghahangad ng mataas. Ang tanong, hanggang kelan ang epekto ng krisis?
Sa kasalukuyan, dahil sa walang kasiguruhan na nararanasan ng buong mundo, maraming tao ngayon ang imbes na gamitin ang natitirang ipon sa negosyo ay natatakot ng makipagsapalaran. Imbes na iimpok sa bangko, tinatago na lang ng personal. Dahil sa takot, sa takot na baka mawala pa ng tuluyan ang kung anumang natitira pa. Takot na baka magsisi sa banding huli.
Pano ba tayo makakatulong sa nagaganap na krisis ngayon?
Tuesday, February 3, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment