Friday, February 6, 2009

TGIF na naman


Friday na naman… last working day of the week, the much awaited day to relax from the 5 days of working so hard (kuno) unless OT pa ng weekend (kumo-quota hehehe, toink! tamaan mabubukulan).

Hay… halos katatapos lang ng dalawang proposal project namin kaya medyo obvious ba na may time pa akong magtipa sa keyboard ko ng kung anik-anik. Kesa naman tuluyang bumagsak ang talukap ng mata ko sa antok. Ok lang kasi nagbabasa ako ngayon ng mga specs, dagdag kaalaman, knowledge power, then pasilip silip sa internet, pa browse browse. Eh ano ngayon, ung isang amo ko nga naglalaro pa ng Chinese checkers hehehe. Ung isang amo sa kabilang department na katabi namin nagbabasa ng komiks sa internet. Tapos ung isa naming amu-amuhan na hindi ko ka-vibes eh buklat ng buklat ng mga binders na hindi mo alam kung ano hinahanap na halos 3 months na nyang paulit ulit na binabasa ung mga binder na un hanggang ngayon hindi pa din nya mahanap ung hinahanap nya, ginugulo pa itong mga binder sa tabi ko, tapos hindi naman binabalik sa kinuhanan, pati mga personal binders ko binubuklat, di ko lang masabihan hello po, akin yan hindi yan kasali sa binders ng proyekto… gggrrr. He always keeps his table clean, but he always makes our table messy, kainis talaga! Ok, enough na nga yan at baka kumulo na naman dugo ko.

At saka ngayon nga lang ako medyo hindi busy. Hindi na nga busy pero sinabihan pa din ako ng amo ko OT daw ako bukas. Ayan ha hindi ako ang may gusto mag OT ng sat. Siguro pag hindi na talaga maka-vote ng maramihan sa Nido eh bka OT na nga lang ako bukas. Kesa naman manood na naman ako ng movies maghapon. For the past 2 weeks kasi naburo ako sa bahay kaka-vote sa Nido. Ewan ko ba kung anong nangyari sa voting system, bigla isang beses na lang pwede maka-vote sa isang PC.

Back to work. Magkakape muna ako. 3 hours pa bago mag uwian.

No comments:

Post a Comment